Loading...

KAUNA-UNAHANG ELECTRIC TRAIN NA GAWANG PINOY, INILUNSAD.

KAUNA-UNAHANG ELECTRIC TRAIN NA GAWANG PINOY, INILUNSAD.


Ipinakita ng DOST (Department of Science and Technology) at PNR (Philippine National Railways) kahapon (25 Hunyo 2016) ang ang kauna-unahang hybrid electric train na gawang Pinoy.

Ang presentasyon ng hybrid electric train ay pinangunahan nina outgoing DOST Secretary Mario Montejo, incoming DOST Secretary Fortunato Dela Peña, at PNR Chairman Manuel Torres, sa Tutuban station ng PNR sa Maynila.

"Very proud tayo...very proud na kaya naman talaga ng Pilipino na gumawa ng tren," pahayag ni Montejo sa ulat ni Katrina Son sa GMA News TV's "Balitanghali."

Inabot umano ng tatlong (3) taon ang DOST sa paggawa ng prototype ng hybrid electric train, na itinuturing environment friendly at energy efficient dahil maaari itong gamitan ng diesel at kuryente.



Gayunman, hindi pa maaaring magamit ng mga pasahero ang tren dahil nasa proseso pa rin ito ng pagsusuri na maaaring abutin pa ng tatlo hanggang anim (6) na buwan.

Ayon sa pinuno ng PNR, "Magpo-provide kami ng mga facility para ma-test pa itong mga trains na ito. Titingnan natin yung durability, safety, at saka, yung efficiency nung mga train,".
Sa paunang pagsusuri sa tren, kaya itong bumiyahe ng isang kilometro sa bilis na 30 Km/hour.

Kapag natapos na ang mga pagsusuri, bibiyahe ang tren mula sa Tutuban hanggang Calamba.

Sinabi ni Torres na makatutulong ang mga tren na gawang Pinoy para matugunan ang dumadaming pasahero ng PNR. -- FRJ, GMA News

Source: GMA News
Screengrab: GMA's Balitanghali

No comments:

Loading...
Powered by Blogger.