Loading...

BREAKING NEWS: MAG-INA, PINATAY SA CABUYAO, LAGUNA

BREAKING NEWS: MAG-INA, PINATAY SA CABUYAO, LAGUNA
Image Source: capitalresearch.org


Isa nanamang karumal-dumal na krimen ang ginawa sa nakaka-awang mga biktima! Dapat ibalik na talaga ang parusang kamatayan sa Pilipinas para naman mabigyan ng hustisiya ang mga biktima at kaanak nito! At lalung-lalo na para di na makagawa ng panibagong krimen ang mga walang-hiyang kriminal!



Patay na at may mga saksak sa leeg nang matagpuan sa kanilang bahay sa Cabuyao, Laguna ang isang mag-ina nitong kahapon (01 Hulyo 2016) ng umaga.

Sa ulat ng GMA News Saksi kahapon ng gabi, sinabing pagnanakaw ang nakikitang motibo sa pagpatay kina Melanie Templanza, at sa anak niyang si Rome.

Ayon sa mga kaanak ng mga biktima, nawawala ang ilang gamit sa bahay kabilang na ang isang motorsiklo, cellphone at hindi pa malamang halaga ng pera.

Nanawagan ang kaanak ng mag-inang biktima at sinabing "Napakahayop po ng gumawa no'n. Kaya po sana matulungan po kami kasi parang hindi na po kami makakapaghintay sa hustisya. Gusto na po talaga namin makamit 'yon kasi sobrang sakit po ng ginawa nila sa amin,".

Mayroon na umanong tinututukan na suspek ang pulisya base sa impormasyong nakuha mula sa mga kaanak ng mga biktima.

Napag-alaman din na nagtatrabaho sa Oriental Mindoro ang padre de pamilya ng mga biktima at umuwi na ito nang malaman ang nangyari sa kaniyang mag-ina.

Source: GMA News

No comments:

Loading...
Powered by Blogger.