Loading...

VIRAL: 2 KAANAK NI DE LIMA, ARESTADO DAHIL SA DROGA!

VIRAL: 2 KAANAK NI DE LIMA, ARESTADO DAHIL SA DROGA!
Image Source: JDOnline


Arestado ang apat na lalaki dalawa sa mga ito ay kumpirmadong kaanak ni Senador Leila De Lima matapos maaktuhang nagpo-pot session ng mga pulis sa loob ng isang bahay Martes ng gabi sa bayan ng Baao, Camarines Sur.

Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Alexander Colarina De Lima, 39, kapatid nitong si Richard, 37, residente ng Bgy. San Agustin, Iriga City; William Catangui, 28, at Zaldy Botin, 31, residente naman ng bayan ng Baao.

Ayon sa ulat ng pulisya, dakong alas-sais ng gabi habang nagsasagawa ng Oplan Tokhang ang mga tauhan ng Baao Municipal Police Station (MPS) sa Bgy. San Juan ng makatanggap sila ng isang tip mula sa concerned citizen na mayroon umanong isinasagawang pot session sa isa sa mga bahay doon.


Dahil dito agad na tinungo ng awtoridad ang itinurong bahay at hindi na nakapalag ang apat na suspek ng maaktuhan silang gumagamit ng shabu ng kapulisan at nakuha sa kanilang pag-ii­ngat ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu at mga paraphernalia sa pagsinghot ng nasabing iligal na droga.

Samantala, kinumpirma naman ni Barangay Kagawad Elma Gaspi, pinsan ni Senadora De Lima na kamag-anak nga ng huli ang dalawa sa mga nadakip na suspek at ayon pa dito na hindi ito ang unang pagkakataon na nadakip ang mga ito dahil sa paggamit ng iligal na droga.

Sa ngayon ay naka­kulong na sa Baao ­Philippine National Police (PNP) ang mga suspek habang sinampahan na ng kaukulang kaso laban sa mga ito.

Source: Abante

No comments:

Loading...
Powered by Blogger.